Sunday, December 14, 2008

naalala ko lang..:)

i'm back to my real self..
ewan ko ba pero parang gusto ko na rin magFilipino sa mga posts ko dito sa blog. wala lang. parang trip lang.. pero, marahil ito rin ay isang paraan upang mas mahasa ang aking sarili na sumulat ng mga lathalain o kung anu-ano pa sa Filipino dahil sa totoo lang nahihirapan na ako. nasanay kasi sa English..ehem..mayabang ba?

naalala ko lang ang buhay bilang bata ko..as in, bata.. doon pa ako sa davao noon. Hindi ung sa davao na kung saan eh kung mgjajaywalking ka ay sa kulungan ang bagsak. sa davao del norte, sa pinakasuluk-sulukang parte nito. marahil ay hindi niyo ito alam..new corella, poblacion, tagum city. basta iyon..
nag-aral ako sa isang primary school lamang pero grade 1 lang. napakabata ko pa non. nagtapos ako sa Day Care nang may honor. ewan ko kung ano ung rank ko noon, wala naman akong paki don eh. nung Grade 1 ako sa paaralang ito, nag-away at naghiwalay ang papa at mama ko. ayoko talaga sa papa ko, kasi sobrang hindi talaga siya mabait. at nakuha ata yon ng kuya ko.. kaya nga, i curse both of them..siguro, kaya nahihirapan akong magkagusto o magtiwala sa isang lalaki dahil na rin sa mga napagdaanan ko sa papa at kuya ko.. dahil sa hiwalayan nina mama ay napilitan akong tumigil sa pag-aaral..ewan ko ba..
by the next year ay nag-aral na ako.tama lang naman ang edad ko kasi maaga akong nagdaycare eh. 1 year younger than the usual.. doon ako nag-aral sa may central school..nainggit kasi ako dahil yung mga kapitbahay ko ay doon nag-aaral..kaya doon nalang din ako.. may sundo ako.papunta at pauwi, binabayaran namin ang tricycle monthly.. piso pa lang ang pamasahe non, kaya isang buwan marahil ay P100 ang binabayad ni mama sa sundo ko.. pero, ang tagal niyang dumating pag uwian na kaya nilalakad ko nalang pauwi ang bahay namin,ang layo rin non ah! kaya siguro halos buto't balat nalang ako noon.. hindi ko kasama ang mama ko non kasi nagtatrabaho siya dito sa Gensan at don ako nakatira sa lola at lolo niya. as in sa kanya.. ang papa ko naman, malay ko ba kung saang lupalop na yun napadpad, wala akong pakialam..
Grade 1: (2nd time) teacher: Maam Bulaquina
singit: may stalker na ako dito..ewan..ang ganda ko pa siguro nitong time na ito..hehe.. ang daming nagkakagusto sa akin.. once nga, may isang guy, kiniss niya ako sa pisngi, sinumbong ko siya sa guro namin at naparusahan ang gago..

masaya naman ang life ko, pag may sayawan, ako agad ang kinukuha nila as leader. active ako masyado sa sayawan dito.. may isang picture pa nga ako non eh, hawak-hawak ko ang isang arko at sobrang bad mood ako, dahil hindi ko memorize ang steps kaya hayun, napahiya ako.. nagpapicture pa ako at kitang-kita sa pic ang galit at pagkabad trip ko..
lahat ng kapitbahay ko, pag nakikita ako, lagi na lamang sinasabing kamukha ko daw ang mama ko..oo na, kamukha ko na.. mama ko eh..at lagi akong kinagigiliwana t kinaiinggitan dahil first honor ako. paborito talaga ako ng teachers ko nun.

Grade 2: Maam Ale
present pa rin ang stalker ko..yun nga lang hindi na siya nag-aaral, pero nakikita ko pa rin siya..yung crush ko rin na matanda, andun pa rin. present pa rin..
nakilala ko si Jomarie..babae yan ha? first honor rin siya nung grade 1.
doon kasi sa amin, walang first sections..lahat equal..hindi basehan ang grades mo, para malaman mo kung anong section ka..kaw ang bahala kung sinong guro ang gusto mo..
may classmate ako non, Kc name..Kathleen Charisse..sosyal! kilala siya sa paaralan dahil ang mama biya ang guro doon..maganda, matangkad, maputi at higit sa lahat mayaman.. pinagtatawanan ko ito siya dati dahil pag kinakausap siya ay sisigaw talaga siya yong tipong pakyut na..at kung magsulat ay linya to linya ang effect.gets niyo? diba pag grade 2,tatlong linya pa ang paper niyan?blue, red at blue. blue to blue yan siya kung magsulat..hehehe..

singit: pangarap ko nung maging majorette..ang ganda kasi tingnan eh..i remember, kukuha ako ng stick taz hala kembot. pangarap ko ring maging gymnast non, alam niyo ung parang stick na may tali sa dulo.. na pag ihampas hampas mo sa ere ay maganda tingnan. basat un, imagie-in niyo na lang..gumagawa ako ng ganun, tali at stick lang..hehe..saka magbali-bali ng katawan..Ü

oo nga pala, si Jomarie.. first namin siya non, 2nd c Kc at 3rd ako.. wow.. ang baba ng rank ko..

Grade 3: Mam Omega
may bago akong crush, wendell ang pangalan.. crush niya ako..MU kami..may isa pa akong kA.MU si Manuelito..

Hindi ko na naging classmate si Jomarie..iba ang section niya non.
may isa akong hindi malilimutang experience sa Grade 3 life ko..
Sa bahay, may nakita akong sandals..high heeled..wow naman..umandar ang pagiging "M" ko.. ignorante..hehe..sinuot ko yun nung Miyerkules, kasi sa amin, Pag wednesday ay pwede magcivilian..suot suot ko yun..feel na feel ko naman..flip pa ng buhok..tapos biglang natisod ako at natanggal ang heels ng sandals ko.. as in yung heels talaga..ang pangit! ginawa ko..tinali ko using rubber bands..ewan!kahiya talaga..sa klase, tinawag ako ni mam para sumagot sa board.. matalino daw ako eh, kaya pumunta ako sa board na suot suot ko ang sandals na may heels na tinali ng rubber band.. sana ay naiimagine niyo..Ü sobrang nakakahiya lalo pa't pinagtawanan ako ng guro namin..

First honor ako ganun din si Jomarie..

Grade 4: Mam Comidoy
Bumalik ang crush ko, pero Grade 3 pa rin..tumigil kasi ba..
May bago akong crush, si Patrick..Kasabay ko parati umuwi..sinabi niya non sa kapatid ko, na crush niya daw ako..bwahaha! kilig to the bones naman ako..san na kaya siya ngayon ano?

classmate ko si Jomarie.. Naisip ko non na dapat patunayan kong mas matalino ako sa kanya, kasi pareho kami first honors kaya dapat mas lamangan ko siya.. ang bata ko pa para maging ganun noh?
pero, bestfriend ko siya. as in..siya ang tinuturing kong tunay na kaibigan noon.. pumupunta ako sa kanila everyday..doon kumakain..haha.. masarap kasi sila magluto kasi mga Ilocano..

Naaalala ko pa, inutusan kami ng guro namin na bumili ng "napkin".. malay ko ba kung ano yun.. sabi nung napagtanungan ko na dumating na daw ang barko ni mam.. buong pagtataka ang nasa isip ko non..ngayon, gets ko na..(haha!)

nakarating ako sa Davao City non, dahil nanalo ako sa isang Science Quiz Bee.. di nga ako makapaniwala eh na matalino pala ako non sa Science kasi ngayon, bobo pa sa pagong ang utak ko basta Science..
At the end of the year, First ako. kaya sobrang saya ko.. matalino pala talaga ako noon..marami ngang pumupuri sa akin noon eh..note: noon..

Napag-alaman kong kukunin kami ni Mama at dadalhin niya kami dito sa Gensan..
Sa sobrang lungkot ko non na iwan ang bestfriend ko.. binigyan ko na lamang siya ng kuwintas..
sabi ko pa nga noon, pag bumalik ako, hahanapin ko yun sa kanya..hay..ang bata ko pa para maging ganoon ka drama.. pero, totoo..may deal kami non..


***ilang taon na ang nakakalipas at hindi ko pa rin siya nakikita..
wala lang..
namimiss ko lang siya.. Sa tuwing pumupunta kasi kami doon sa bukid ay matagal na ang isang araw na pagsstay namin doon..may trabaho kasi si mama dito eh..mahirap daw iwan.. ni wala akong oras na hanapin man lang si Jomarie..hahai..

wala lang.. naalala ko lang..

1 comment:

isolatedsocial said...

wow.nice post.
mayabang kamo.
joke.
yeeeee.
d ku p nbsa lahat.
but.i'll read nxt tym.
dmi pla ntn ggwn.

haaay.
idol tlga kta.
as in.
kc halos lhat nangyri n sau.
idol kta QUEN.
hnd aku c "he".
but in my own way,
i'll make you love me.
agoi.
bogssssh!