Monday, December 8, 2008

Bawat Sandali


Mula sa pagmulat ng aking mga mata
Mukha mo ang una kong naaalala
Hanggang sa pagtayo ng aking mga paa
Tanging ikaw ang nasa aking diwa

Bigla na lamang kumislap ang buhay ko
Mula nang ikaw ay aking nakatagpo
Binigyan mo ng kulay ang aking mundo
Ito'y paraiso, umiikot sa'yo

Ang aking puso talagang binihag mo
Maging ang aking isip ay kinulong mo
Tanging hiling ay sana ay maramdaman
Ang pagsinta ko ay sa'yo lamang

Pangalan ko ay hindi mo nababatid
Talagang estranghero sakin ang tingin
Sa iyo lamang ako'y nais magpapansin
Iyong paghanga ay aking nais angkin

Ninais ko ang mapalapit sa iyo
Nang sa gayon naman kahit papaano
Ang loob ay sa akin masanay
Ako rin ay ibigin ano bang malay!

Mga oras na ika'y aking masilayan
Ito'y parang 'sang malaking katuparan
Pagbaling sakin ng mahiwagang tingin
Kumbaga'y parang naabot na bituin

Ako'y nandito't palaging umaasa
Sana ay darating ang pagkakataon na
Tinatagong lihim ko'y suklian mo rin
Hiling ko sana ako ay ibigin rin

...i made this when i was in 2nd year..pambata!

so.. what's the big deal now? I can't remember who was my inspiration.. or did i really have one?

hahaha..

4 comments:

Paragon Shirts said...

hye there...

bloghopping lang me...

http://staticdepiction.blogspot.com

? said...

It's simple but it is good! Iba talaga ang nasususlat ng inspired kaysa sa mga tipong nagsusulat ng wala naman sa loob. May potential ka. Maganda yung pagkakagamit mo ng mga figures of speech simula una hanggang huli. Na-perfect mo rin yung rythm ng tula. "aa'aa' bb'bb'..." Try mong pag-aralan yung mga iba't ibang form ng tula para mas lalo pa siyang mapaganda. No joke... gusto ko siya. :)
Keep it up!

? said...

Thanks... but what do you mean? Bata ka rin naman ah? 16... 'di ba? The one I said before is not a joke... It's true... just highlights is your emotion... the only thing you need to develop is your style. It is easier to develop someone's hand than someone's heart. But... anyway... thanks for your comment

? said...

Ay... sus! Ala daw syang inspirasyon? Pagkakabasa pa lang nga eh... parang feel na feel mo yung pagkakasulat... Parang inspired ka. Ang ganda kaya? (giggles...)